Friday, May 24, 2024

P-pop groups BINI, G22 make impressive performances in China’s Show It All

Must read

P-pop represent!

Pinatunayan at ipinakita ng P-pop girl groups na BINI at G22 ang world-class talent ng mga Pilipino nang mag-perform sila sa Chinese reality program na Show It All nitong Huwebes, April 25, 2024.

Ang Show It All ay isang reality program sa China, tampok ang Chinese trainees na nagsasanay para mapasama sa isang idol group.

Sa episode ng kanilang programa ngayong April 25 ay naging special guests nila ang BINI at G22.

Hangarin nilang ma-inspire ang mga kalahok sa Show It All sa tagumpay na timatamasa ngayon ng dalawang Pinoy girl groups.

Read: BINI says finding their unique sound is their primary challenge in P-pop

Bukod sa pagbibigay-inspirasyon at pakikihalubilo sa trainees, nag-perform din ang BINI at G22 sa harap mismo ng kanilang Chinese fans.

Kinanta ng BINI ang hit songs nilang “Karera” at “I Feel Good.”

Habang ang G22 naman ay nagpakitang-gilas sa mga kanta nilangBabalik” at “Boomerang.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Read: SB19 open to collaboration anew with BINI

Ang BINI ay eight-member girl group mula sa Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN.

Binubuo ang grupo nina Jhoanna, Maloi, Mikha, Aiah, Colet, Sheena, Stacey, at Gwen.

Ang G22 naman ay ang three-member girl group na sina Jaz, Alfea at AJ. Nasa pangangalaga sila ng Cornerstone Entertainment.

NETIZENS REACT

Matapos mag-perform, mabilis nag-trending sa X (dating Twitter) ang hashtags na #BINIxShowItAll at #G22atSHOWITALL.

CONTINUE READING BELOW ↓

BINI, G22 trend on Twitter after they performed in China's Show It All

Marami sa fans ng dalawang P-pop groups ang natuwa sa pagpapamalas nila ng talento sa world stage.

Tweet ng isang bloom (tawag sa fandom ng BINI): “Flew to another country to show what our land’s made of. Natural born singers, great music, competitive pageantry, creative styling, confidence and charisma, diverse beauty. Definitely will work hard to represent our country #BINIxShowItAll.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi pa ng isa, “Nakaka-proud! Our nation’s girl group, BINI.”

Read: Star Magic to take legal action against BINI, BGYO bashers

Saad naman ng isang Bullet (tawag sa fandom ng G22), “I’m out of words hearing the crowd’s loud cheers and chants. I’m beyond proud of you, girls. You deserve all the support and praises #G22atShowItAll.”

“I have no words. I’m just so happy that the world finally gets to see this. Never doubted you, G22,” dagdag pa ng isa.

Read: 34 K-Pop idols hip-thrusting to SB19’s “Gento”

Latest article